Mga Bilang 4

Inilista nila ang lahat ng lalaking may edad tatlumpu hanggang limampung taóng gulang na may kakayahang maglingkod sa Toldang Tipanan,

Numbers 4:47 (UKJV) From thirty years old and upward even unto fifty years old, every one that came to do the service of the ministry, and the service of the burden in the tabernacle of the congregation.

45Ito ang kabuuan ng lahat nang nagmula sa lahi ni Merari na naglingkod sa Toldang Tipanan. Binilang sila nina Moises at Aaron ayon sa kautusan ng Panginoon kay Moises.

46Kaya binilang ni Moises, Aaron, at ng mga pinuno ng Israel ang lahat ng Levita ayon sa kanilang mga angkan at pamilya.

47Inilista nila ang lahat ng lalaking may edad tatlumpu hanggang limampung taóng gulang na may kakayahang maglingkod sa Toldang Tipanan,

48at ito ang kabuuang bilang nila ay 8,580.

49Kaya ayon sa utos ng Panginoon kay Moises, binilang ang bawat isa sa kanila at binigyan ng kanya-kanyang gawain at sinabihan kung ano ang kanilang dadalhin. At ganoon nga ang pagkabilang sa kanila, ayon sa ipinag-utos ng Panginoon kay Moises.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.