Mga Bilang 4

At tatakluban nila ito ng magandang klase ng balat at ng telang asul, at pagkatapos ay isusuot nila sa mga argolya ang mga pambuhat nito.

Numbers 4:6 (UKJV) And shall put thereon the covering of badgers' skins, and shall spread over it a cloth wholly of blue, and shall put in the staves thereof.

4“Ang mga gawain ng mga angkan ni Kohat sa Toldang Tipanan ay ang pag-aasikaso ng mga napakabanal na bagay.

5Kung aalis na kayo sa inyong pinagkakampuhan, si Aaron at ang mga anak niya ay papasok sa Tolda at kukunin ang kurtina sa loob at itataklob ito sa Kahon ng Kasunduan.

6At tatakluban nila ito ng magandang klase ng balat at ng telang asul, at pagkatapos ay isusuot nila sa mga argolya ang mga pambuhat nito.

7“Sasapinan din nila ng asul na tela ang mesang nilalagyan ng tinapay na iniaalay sa harapan ng Diyos; at ilalagay nila sa mesa ang mga pinggan, mga tasa, mga mangkok, mga banga na lalagyan ng mga handog na inumin, at hindi aalisin ang mga tinapay na laging nasa mesa.

8Pagkatapos, tatakluban nila ito ng telang pula, at tatakluban pa ng magandang klase ng balat at pagkatapos ay isusuot ang mga pambuhat nito sa lalagyan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.