3Isama ninyo sa bilang ang lahat ng lalaking may edad na tatlumpu hanggang limampung taóng gulang na may kakayahang maglingkod sa Toldang Tipanan.
4“Ang mga gawain ng mga angkan ni Kohat sa Toldang Tipanan ay ang pag-aasikaso ng mga napakabanal na bagay.
5Kung aalis na kayo sa inyong pinagkakampuhan, si Aaron at ang mga anak niya ay papasok sa Tolda at kukunin ang kurtina sa loob at itataklob ito sa Kahon ng Kasunduan.
6At tatakluban nila ito ng magandang klase ng balat at ng telang asul, at pagkatapos ay isusuot nila sa mga argolya ang mga pambuhat nito.
7“Sasapinan din nila ng asul na tela ang mesang nilalagyan ng tinapay na iniaalay sa harapan ng Diyos; at ilalagay nila sa mesa ang mga pinggan, mga tasa, mga mangkok, mga banga na lalagyan ng mga handog na inumin, at hindi aalisin ang mga tinapay na laging nasa mesa.