Mga Bilang 4

Isama ninyo sa bilang ang lahat ng lalaking may edad na tatlumpu hanggang limampung taóng gulang na may kakayahang maglingkod sa Toldang Tipanan.

Numbers 4:3 (UKJV) From thirty years old and upward even until fifty years old, all that enter into the host, to do the work in the tabernacle of the congregation.

1Sinabi ng Panginoon kina Moises at Aaron,

2“Bilangin at ilista ninyo ang mga angkan ni Kohat na sakop ng mga Levita, ayon sa kanilang pamilya.

3Isama ninyo sa bilang ang lahat ng lalaking may edad na tatlumpu hanggang limampung taóng gulang na may kakayahang maglingkod sa Toldang Tipanan.

4“Ang mga gawain ng mga angkan ni Kohat sa Toldang Tipanan ay ang pag-aasikaso ng mga napakabanal na bagay.

5Kung aalis na kayo sa inyong pinagkakampuhan, si Aaron at ang mga anak niya ay papasok sa Tolda at kukunin ang kurtina sa loob at itataklob ito sa Kahon ng Kasunduan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.