Mga Bilang 5

“Utusan mo ang mga Israelita na palabasin sa kampo ang sinumang may malubhang sakit sa balat o may lumalabas sa kanyang ari dahil sa karamdaman o itinuring siyang marumi dahil nakahipo siya ng patay.

Numbers 5:2 (UKJV) Command the children of Israel, that they put out of the camp every leper, and every one that has an issue, and whosoever is defiled by the dead:

1Sinabi ng Panginoon kay Moises,

2“Utusan mo ang mga Israelita na palabasin sa kampo ang sinumang may malubhang sakit sa balat o may lumalabas sa kanyang ari dahil sa karamdaman o itinuring siyang marumi dahil nakahipo siya ng patay.

3Palabasin ninyo sila, lalaki man o babae upang hindi nila marumihan ang kampo, kung saan ako naninirahang kasama ninyo.”

4Kaya pinalabas ng mga Israelita ang mga ganoong tao sa kampo ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.