Mga Bilang 6

Doon, maghahandog siya sa Panginoon ng mga sumusunod na hayop na walang kapintasan: isang lalaking tupa na isang taóng gulang bilang handog na sinusunog, isang babaeng tupa na isang taóng gulang din bilang handog para sa kasalanan at isang lalaking tupa bilang handog pangkapayapaan.

Numbers 6:14 (UKJV) And he shall offer his offering unto the LORD, one he lamb of the first year without blemish for a burnt offering, and one ewe lamb of the first year without blemish for a sin offering, and one ram without blemish for peace offerings,

12Ang lumipas na mga araw ng kanyang paglilingkod sa Panginoon ay hindi kabilang sa pagtupad niya sa kanyang panata, dahil nadungisan siya nang nakahipo siya ng patay. Kailangang italaga niyang muli ang kanyang sarili hanggang sa matapos ang kanyang panata, at magdala siya ng lalaking tupa bilang handog na pambayad ng kanyang kasalanan.

13“Ito ang kanyang dapat gawin kapag natapos na niya ang kanyang panata bilang Nazareo: Kailangang dalhin siya sa pintuan ng Toldang Tipanan.

14Doon, maghahandog siya sa Panginoon ng mga sumusunod na hayop na walang kapintasan: isang lalaking tupa na isang taóng gulang bilang handog na sinusunog, isang babaeng tupa na isang taóng gulang din bilang handog para sa kasalanan at isang lalaking tupa bilang handog pangkapayapaan.

15Bukod pa rito, maghahandog din siya ng mga handog na pagkaing butil para sa Panginoon, mga handog na inumin at isang basket ng tinapay na walang pampaalsa, na ginawa mula sa magandang klaseng harina. Ang ibang tinapay ay makapal na hinaluan ng langis, at ang iba naman ay manipis na pinahiran ng langis.

16“Ang pari ang maghahandog nito sa Panginoon: Ihahandog niya ang handog para sa kasalanan at ang handog na sinusunog;

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.