21“Ito ang tuntunin para sa isang Nazareo. Subalit kung mangangako ang isang Nazareo na maghahandog siya sa Panginoon nang sobra sa ipinapatupad sa kanyang panata, dapat niya itong sundin.”
22Sinabi ng Panginoon kay Moises,
23“Sabihin mo kay Aaron at sa mga anak niyang lalaki na ito ang kanilang sasabihin kapag magbabasbas sila sa mga Israelita:
24‘Pagpalain nawa kayo ng Panginoon.
25Ipakita nawa ng Panginoon ang kanyang kabutihan at awa sa inyo.