14Nagdala rin ang bawat isa sa kanila ng isang gintong pinggan na may bigat na mga 115 gramo na puno ng insenso;
15isang batang toro, isang lalaking tupa at isang batang lalaking tupa na isang taóng gulang bilang handog na sinusunog;
16isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan;
17dalawang baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing at limang batang lalaking tupa na tig-iisang taóng gulang bilang handog pangkapayapaan. Ito ang mga handog ni Naason na anak ni Aminadab.
18Nang ikalawang araw, si Netanel na anak ni Zuar, na pinuno ng tribo ni Isacar ang nagdala ng handog.