2Pagkatapos, nagdala ng mga handog sa Panginoon ang mga pinuno ng Israel, na pinuno ng bawat lahi. Sila ang nakatalaga sa pagsesensus.
3Nagdala sila ng anim na kariton at labindalawang baka – isang kariton sa bawat dalawang pinuno, at isang baka sa bawat isa sa kanila sa harapan ng Panginoon. Dinala nila ito sa harapan ng Toldang Sambahan.
4Sinabi ng Panginoon kay Moises,
5“Tanggapin mo ang kanilang mga handog upang magamit para sa mga gawain sa Toldang Tipanan. Ibigay ito sa mga Levita ayon sa kanilang gawain.”
6Kaya tinanggap ni Moises ang mga kariton at ang mga baka, at ibinigay ito sa mga Levita.