68Nagdala rin ang bawat isa sa kanila ng isang gintong pinggan na may bigat na mga 115 gramo na puno ng insenso;
69isang batang toro, isang lalaking tupa at isang batang lalaking tupa na isang taóng gulang bilang handog na sinusunog;
70isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan;
71dalawang baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing at limang batang lalaking tupa na isang taóng gulang bilang handog pangkapayapaan. Ito ang handog ni Ahiezer na anak ni Amishadai.
72Nang ikalabing-isang araw, si Pagiel na anak ni Ocran, na pinuno ng tribo ni Asher ang nagdala ng kanyang handog.