70isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan;
71dalawang baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing at limang batang lalaking tupa na isang taóng gulang bilang handog pangkapayapaan. Ito ang handog ni Ahiezer na anak ni Amishadai.
72Nang ikalabing-isang araw, si Pagiel na anak ni Ocran, na pinuno ng tribo ni Asher ang nagdala ng kanyang handog.
73Ang kanyang mga handog ay isang pilak na bandehado na may bigat na isaʼt kalahating kilo, at isang pilak na mangkok na may bigat na 800 gramo ayon sa bigat ng pilak sa timbangang ginagamit ng mga pari. Ang bawat isa nitoʼy puno ng pinong harina na hinaluan ng langis bilang handog na pagkaing butil.
74Nagdala rin ang bawat isa sa kanila ng isang gintong pinggan na may bigat na mga 115 gramo na puno ng insenso;