81isang batang toro, isang lalaking tupa at isang batang lalaking tupa na isang taóng gulang bilang handog na sinusunog;
82isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan;
83dalawang baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing at limang batang lalaking tupa na isang taóng gulang bilang handog pangkapayapaan. Ito ang handog ni Ahira na anak ni Enan.
84Ito ang lahat ng mga handog ng labindalawang pinuno ng mga Israelita para sa pagtatalaga ng altar: labindalawang pilak na bandehado, labindalawang pilak na mangkok, at labindalawang gintong tasa.
85Ang bawat bandehadong pilak ay may bigat na isaʼt kalahating kilo, at ang bawat mangkok na pilak ay may bigat na 800 gramo. Ang kabuuang timbang nila ay mga dalawampuʼt walong kilo ayon sa timbangang ginagamit ng mga pari.