Mga Bilang 7

Ito ang lahat ng mga handog ng labindalawang pinuno ng mga Israelita para sa pagtatalaga ng altar: labindalawang pilak na bandehado, labindalawang pilak na mangkok, at labindalawang gintong tasa.

Numbers 7:84 (UKJV) This was the dedication of the altar, in the day when it was anointed, by the princes of Israel: twelve chargers of silver, twelve silver bowls, twelve spoons of gold:

82isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan;

83dalawang baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing at limang batang lalaking tupa na isang taóng gulang bilang handog pangkapayapaan. Ito ang handog ni Ahira na anak ni Enan.

84Ito ang lahat ng mga handog ng labindalawang pinuno ng mga Israelita para sa pagtatalaga ng altar: labindalawang pilak na bandehado, labindalawang pilak na mangkok, at labindalawang gintong tasa.

85Ang bawat bandehadong pilak ay may bigat na isaʼt kalahating kilo, at ang bawat mangkok na pilak ay may bigat na 800 gramo. Ang kabuuang timbang nila ay mga dalawampuʼt walong kilo ayon sa timbangang ginagamit ng mga pari.

86Ang labindalawang gintong lalagyan na puno ng insenso ay may bigat na mga 115 gramo bawat isa ayon sa bigat ng ginto sa timbangang ginagamit ng mga pari. Ang kabuuang timbang nila ay mga 1,440 gramo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.