84Ito ang lahat ng mga handog ng labindalawang pinuno ng mga Israelita para sa pagtatalaga ng altar: labindalawang pilak na bandehado, labindalawang pilak na mangkok, at labindalawang gintong tasa.
85Ang bawat bandehadong pilak ay may bigat na isaʼt kalahating kilo, at ang bawat mangkok na pilak ay may bigat na 800 gramo. Ang kabuuang timbang nila ay mga dalawampuʼt walong kilo ayon sa timbangang ginagamit ng mga pari.
86Ang labindalawang gintong lalagyan na puno ng insenso ay may bigat na mga 115 gramo bawat isa ayon sa bigat ng ginto sa timbangang ginagamit ng mga pari. Ang kabuuang timbang nila ay mga 1,440 gramo.
87Ang kabuuang bilang ng mga hayop na ibinigay para sa handog na sinusunog: labindalawang batang toro, labindalawang lalaking tupa at labindalawang lalaking tupang isang taóng gulang pa lang ang edad, kasama nito ang mga handog na pagkaing butil para sa Panginoon. Ang handog para sa kasalanan ay labindalawang lalaking kambing.
88Ang mga hayop na handog pangkapayapaan: dalawampuʼt apat na toro, animnapung lalaking tupa, animnapung lalaking kambing at animnapung batang lalaking tupa na isang taóng gulang pa lang ang edad. Ito ang lahat ng mga handog nang italaga ang altar matapos itong wisikan ng langis.