87Ang kabuuang bilang ng mga hayop na ibinigay para sa handog na sinusunog: labindalawang batang toro, labindalawang lalaking tupa at labindalawang lalaking tupang isang taóng gulang pa lang ang edad, kasama nito ang mga handog na pagkaing butil para sa Panginoon. Ang handog para sa kasalanan ay labindalawang lalaking kambing.
88Ang mga hayop na handog pangkapayapaan: dalawampuʼt apat na toro, animnapung lalaking tupa, animnapung lalaking kambing at animnapung batang lalaking tupa na isang taóng gulang pa lang ang edad. Ito ang lahat ng mga handog nang italaga ang altar matapos itong wisikan ng langis.
89Kapag papasok si Moises sa Toldang Tipanan para makipag-usap sa Panginoon, naririnig niya ang boses na nakikipag-usap sa kanya galing sa gitna ng dalawang kerubin, sa ibabaw ng takip ng Kahon ng Kasunduan. Doon nakikipag-usap ang Panginoon kay Moises.