Mga Bilang 8

“Pagkatapos, ipapatong ng mga Levita ang mga kamay nila sa ulo ng dalawang toro na handog para sa Panginoon. Ang isa ay bilang handog para sa kasalanan at ang isa naman ay bilang handog na sinusunog, para mapatawad sila sa kanilang mga kasalanan.

Numbers 8:12 (UKJV) And the Levites shall lay their hands upon the heads of the bullocks: and you shall offer the one for a sin offering, and the other for a burnt offering, unto the LORD, to make an atonement for the Levites.

10Dalhin mo ang mga Levita sa harapan ng Panginoon at ipapatong ng mga Israelita ang kanilang mga kamay sa mga ulo nito.

11Si Aaron ang magtatalaga sa kanila sa harapan ng Panginoon bilang handog na itinataas mula sa mga Israelita, para makapaglingkod sila sa Panginoon.

12“Pagkatapos, ipapatong ng mga Levita ang mga kamay nila sa ulo ng dalawang toro na handog para sa Panginoon. Ang isa ay bilang handog para sa kasalanan at ang isa naman ay bilang handog na sinusunog, para mapatawad sila sa kanilang mga kasalanan.

13At patatayuin sila sa harapan ni Aaron at ng mga anak niyang lalaki, at itatalaga sila bilang espesyal na handog sa Panginoon.

14Sa pamamagitan nito, ibubukod mo ang mga Levita sa ibang mga Israelita, at magiging akin sila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.