Mga Bilang 8

Dahil ang bawat panganay sa Israel, tao man o hayop, ay akin. Nang pinagpapatay ko ang lahat ng panganay ng mga Ehipsiyo, ibinukod ko para sa akin ang lahat ng panganay na lalaki ng Israel.

Numbers 8:17 (UKJV) For all the firstborn of the children of Israel are mine, both man and beast: on the day that I stroke every firstborn in the land of Egypt I sanctified them for myself.

15“Pagkatapos na malinisan mo ang mga Levita at maitalaga sila sa akin bilang espesyal na handog, makapaglilingkod na sila sa Toldang Tipanan.

16Sila ang mga Israelita na ibinukod para lang sa akin kapalit ng lahat ng panganay na lalaki ng mga Israelita.

17Dahil ang bawat panganay sa Israel, tao man o hayop, ay akin. Nang pinagpapatay ko ang lahat ng panganay ng mga Ehipsiyo, ibinukod ko para sa akin ang lahat ng panganay na lalaki ng Israel.

18At kinuha ko ang mga Levita kapalit ng lahat ng panganay na lalaki ng Israel.

19Sa lahat ng mga Israelita, ang mga Levita ang pinili ko na tumulong kay Aaron at sa mga anak niyang lalaki. Maglilingkod sila sa Toldang Tipanan para sa mga Israelita, at gagawin nila ang mga seremonya para sa kapatawaran ng kasalanan ng mga Israelita, para walang panganib na dumating sa kanila kapag lumapit sila sa Toldang Tipanan.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.