16Sila ang mga Israelita na ibinukod para lang sa akin kapalit ng lahat ng panganay na lalaki ng mga Israelita.
17Dahil ang bawat panganay sa Israel, tao man o hayop, ay akin. Nang pinagpapatay ko ang lahat ng panganay ng mga Ehipsiyo, ibinukod ko para sa akin ang lahat ng panganay na lalaki ng Israel.
18At kinuha ko ang mga Levita kapalit ng lahat ng panganay na lalaki ng Israel.
19Sa lahat ng mga Israelita, ang mga Levita ang pinili ko na tumulong kay Aaron at sa mga anak niyang lalaki. Maglilingkod sila sa Toldang Tipanan para sa mga Israelita, at gagawin nila ang mga seremonya para sa kapatawaran ng kasalanan ng mga Israelita, para walang panganib na dumating sa kanila kapag lumapit sila sa Toldang Tipanan.”
20Kaya itinalaga nila Moises, Aaron at ng lahat ng mga mamamayan ng Israel ang mga Levita ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.