23Sinabi ng Panginoon kay Moises,
24“Para sa mga Levita ang mga tuntuning ito: Magsisimula ang mga Levita sa paglilingkod sa Toldang Tipanan sa edad na dalawampuʼt lima,
25at titigil sila sa paglilingkod sa edad na limampu. At kapag magreretiro na sila,
26maaari silang makatulong sa kapwa nila Levita sa pamamagitan ng paglilingkod bilang tagapagbantay sa Tolda, ngunit hindi na sila gagawa ng mga gawain sa Tolda. Ganito ang paraan kung paano mo ibibigay ang mga tungkulin sa mga Levita.”