Mga Bilang 9

Nang araw na ipinatayo ang Toldang Sambahan na tinatawag ding Toldang Tipanan, natakpan ito ng ulap. Ang ulap na itoʼy nagliwanag na parang apoy mula gabi hanggang umaga.

Numbers 9:15 (UKJV) And on the day that the tabernacle was reared up the cloud covered the tabernacle, namely, the tent of the testimony: and at even there was upon the tabernacle as it were the appearance of fire, until the morning.

13“Ngunit ang taong itinuturing na malinis at hindi naglakbay sa malayo pero hindi niya ipinagdiriwang ang Pista ng Paglampas ng Anghel ay ititiwalag sa kanyang sambayanan sapagkat hindi siya nag-alay ng handog para sa Panginoon sa nakatakdang panahon. Pagdurusahan niya ang kanyang kasalanan.

14“Kung may dayuhan na naninirahang kasama ninyo na gustong makipagdiwang ng Pista ng Paglampas ng Anghel upang parangalan ang Panginoon, kailangang ipagdiwang niya ito ayon sa lahat ng mga tuntunin nito. Magkapareho lang ang mga tuntunin para sa mga katutubong Israelita at sa mga dayuhan.”

15Nang araw na ipinatayo ang Toldang Sambahan na tinatawag ding Toldang Tipanan, natakpan ito ng ulap. Ang ulap na itoʼy nagliwanag na parang apoy mula gabi hanggang umaga.

16Ganito palagi ang nangyayari – ang ulap ay bumabalot sa Toldang Tipanan kung araw at nagliliwanag naman ito na parang apoy kung gabi.

17Kapag pumapaitaas na ang ulap, umaalis na rin ang mga Israelita at nagpapatuloy sa kanilang paglalakbay, at kung saan tumitigil ang ulap, doon sila nagkakampo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.