12Kailangang wala silang iiwanang pagkain kinaumagahan, at hindi rin nila babaliin ang mga buto ng tupa. Kung magdiriwang sila ng Pista ng Paglampas ng Anghel, kailangang sundin ang lahat ng mga tuntunin tungkol dito.
13“Ngunit ang taong itinuturing na malinis at hindi naglakbay sa malayo pero hindi niya ipinagdiriwang ang Pista ng Paglampas ng Anghel ay ititiwalag sa kanyang sambayanan sapagkat hindi siya nag-alay ng handog para sa Panginoon sa nakatakdang panahon. Pagdurusahan niya ang kanyang kasalanan.
14“Kung may dayuhan na naninirahang kasama ninyo na gustong makipagdiwang ng Pista ng Paglampas ng Anghel upang parangalan ang Panginoon, kailangang ipagdiwang niya ito ayon sa lahat ng mga tuntunin nito. Magkapareho lang ang mga tuntunin para sa mga katutubong Israelita at sa mga dayuhan.”
15Nang araw na ipinatayo ang Toldang Sambahan na tinatawag ding Toldang Tipanan, natakpan ito ng ulap. Ang ulap na itoʼy nagliwanag na parang apoy mula gabi hanggang umaga.
16Ganito palagi ang nangyayari – ang ulap ay bumabalot sa Toldang Tipanan kung araw at nagliliwanag naman ito na parang apoy kung gabi.