Mga Bilang 9

Kailangang wala silang iiwanang pagkain kinaumagahan, at hindi rin nila babaliin ang mga buto ng tupa. Kung magdiriwang sila ng Pista ng Paglampas ng Anghel, kailangang sundin ang lahat ng mga tuntunin tungkol dito.

Numbers 9:12 (UKJV) They shall leave none of it unto the morning, nor break any bone of it: according to all the ordinances of the passover they shall keep it.

10“Sabihin mo sa mga Israelita na kahit sino sa kanila o sa kanilang mga lahi na naging marumi dahil sa paghipo ng patay o dahil bumiyahe siya sa malayo, makakapagdiwang pa rin siya ng Pista ng Paglampas ng Anghel.

11Ipagdiriwang nila ito pagkalipas ng isang buwan, simula sa paglubog ng araw sa ika-labing-apat na araw ng ikalawang buwan. Kakain sila ng tupa kasama ng tinapay na walang pampaalsa at ng mapait na halaman.

12Kailangang wala silang iiwanang pagkain kinaumagahan, at hindi rin nila babaliin ang mga buto ng tupa. Kung magdiriwang sila ng Pista ng Paglampas ng Anghel, kailangang sundin ang lahat ng mga tuntunin tungkol dito.

13“Ngunit ang taong itinuturing na malinis at hindi naglakbay sa malayo pero hindi niya ipinagdiriwang ang Pista ng Paglampas ng Anghel ay ititiwalag sa kanyang sambayanan sapagkat hindi siya nag-alay ng handog para sa Panginoon sa nakatakdang panahon. Pagdurusahan niya ang kanyang kasalanan.

14“Kung may dayuhan na naninirahang kasama ninyo na gustong makipagdiwang ng Pista ng Paglampas ng Anghel upang parangalan ang Panginoon, kailangang ipagdiwang niya ito ayon sa lahat ng mga tuntunin nito. Magkapareho lang ang mga tuntunin para sa mga katutubong Israelita at sa mga dayuhan.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.