Mga Bilang 9

Simula sa paglubog ng araw sa ikalabing-apat na araw ng buwang ito, kailangang sundin ninyo ang lahat ng tuntunin tungkol sa pistang ito.”

Numbers 9:3 (UKJV) In the fourteenth day of this month, at even, all of you shall keep it in his appointed season: according to all the rites of it, and according to all the ceremonies thereof, shall all of you keep it.

1Nang unang buwan ng ikalawang taon, mula nang inilabas ang mga Israelita sa Ehipto, sinabi ng Panginoon kay Moises doon sa disyerto ng Sinai,

2“Ipagdiriwang ng mga Israelita ang Pista ng Paglampas ng Anghel sa nakatakdang panahon.

3Simula sa paglubog ng araw sa ikalabing-apat na araw ng buwang ito, kailangang sundin ninyo ang lahat ng tuntunin tungkol sa pistang ito.”

4Kaya sinabihan ni Moises ang mga Israelita na ipagdiwang ang Pista ng Paglampas ng Anghel,

5at sinunod nila ito doon sa disyerto ng Sinai pagsapit ng takipsilim nang ikalabing-apat na araw ng unang buwan. Ginawa ito ng lahat ng mga Israelita ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.