Filemon 1

Akong si Pablo ang mismong sumulat nito: Ako ang magbabayad saʼyo, kahit na kung tutuusin ay utang mo sa akin ang iyong buhay.

Philemon 1:19 (UKJV) I Paul have written it with mine own hand, I will repay it: although it be I do not say to you how you owe unto me even yours own self besides.

17Kaya kung itinuturing mo akong kamanggagawa sa Panginoon, tanggapin mo siya na parang ako ang iyong tinatanggap.

18Kung siya man ay nagkasala o nagkautang sa iyo, ako na lamang ang singilin mo.

19Akong si Pablo ang mismong sumulat nito: Ako ang magbabayad saʼyo, kahit na kung tutuusin ay utang mo sa akin ang iyong buhay.

20Kaya kapatid, pagbigyan mo na ang aking kahilingan alang-alang sa Panginoon. Pasiglahin mo ang kalooban ko bilang kapatid kay Kristo.

21Sumulat ako dahil malaki ang tiwala kong pagbibigyan mo ang aking kahilingan, at alam kong higit pa roon ang iyong gagawin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.