1Mula kay Pablo na nakabilanggo dahil kay Kristo Hesus, kasama si Timoteo na ating kapatid, Filemon, aming minamahal na kamanggagawa sa Panginoon,
2kasama si Apia na ating kapatid, si Arquipo na kapwa naming sundalo ni Kristo, at ang iglesyang nagtitipon sa iyong tahanan:
3Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang nagmumula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Hesu-Kristo.
4Palagi akong nagpapasalamat sa Diyos sa tuwing ipinapanalangin kita,
5dahil nabalitaan ko ang iyong pananampalataya sa Panginoong Hesus at ang pagmamahal mo sa lahat ng mga hinirang ng Diyos.