Mga Taga-Filipos 1

At kapag nakabalik na ako sa inyo, lalo pa kayong magkakaroon ng dahilan upang purihin si Kristo Hesus.

Philippians 1:26 (UKJV) That your rejoicing may be more abundant in Jesus Christ for me by my coming to you again.

24Ngunit kailangan kong patuloy na mabuhay para sa kapakanan ninyo.

25Dahil dito, natitiyak kong mabubuhay pa ako at makakasama ninyo upang matulungan kayong lumago at maging maligaya sa pananampalataya.

26At kapag nakabalik na ako sa inyo, lalo pa kayong magkakaroon ng dahilan upang purihin si Kristo Hesus.

27Mamuhay kayo nang naaayon sa Magandang Balita ni Kristo. Nang sa gayon, makadalaw man ako sa inyo o hindi, mababalitaan kong nagkakaisa kayo at sama-samang naninindigan para sa pananampalatayang ayon sa Magandang Balita.

28Huwag kayong matakot sa mga kumakalaban sa inyo. Dahil kung hindi kayo natatakot, magiging tanda ito sa kanila na mapapahamak sila at ililigtas naman kayo ng Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.