Mga Taga-Filipos 1

Mamuhay kayo nang naaayon sa Magandang Balita ni Kristo. Nang sa gayon, makadalaw man ako sa inyo o hindi, mababalitaan kong nagkakaisa kayo at sama-samang naninindigan para sa pananampalatayang ayon sa Magandang Balita.

Philippians 1:27 (UKJV) Only let your conversation be as it becomes the gospel of Christ: that whether I come and see you, or else be absent, I may hear of your affairs, that all of you stand fast in one spirit, with one mind striving together for the faith of the gospel;

25Dahil dito, natitiyak kong mabubuhay pa ako at makakasama ninyo upang matulungan kayong lumago at maging maligaya sa pananampalataya.

26At kapag nakabalik na ako sa inyo, lalo pa kayong magkakaroon ng dahilan upang purihin si Kristo Hesus.

27Mamuhay kayo nang naaayon sa Magandang Balita ni Kristo. Nang sa gayon, makadalaw man ako sa inyo o hindi, mababalitaan kong nagkakaisa kayo at sama-samang naninindigan para sa pananampalatayang ayon sa Magandang Balita.

28Huwag kayong matakot sa mga kumakalaban sa inyo. Dahil kung hindi kayo natatakot, magiging tanda ito sa kanila na mapapahamak sila at ililigtas naman kayo ng Diyos.

29Sapagkat hindi lang ang pribilehiyong sumampalataya kay Kristo ang ibinigay sa inyo, kundi pati na rin ang dumanas ng hirap alang-alang sa kanya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.