1Mula kay Pablo, kasama si Timoteo na kapwa ko lingkod ni Kristo Hesus, Sa mga hinirang ng Diyos na nakay Kristo Hesus na nasa Filipos, kasama ang mga tagapangasiwa at mga tagapaglingkod:
2Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang nagmumula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Hesu-Kristo.
3Tuwing naaalala ko kayo, nagpapasalamat ako sa Diyos.
4Palagi akong masaya sa tuwing nananalangin ako para sa inyong lahat,
5dahil mula noong sumampalataya kayo hanggang ngayon ay katulong ko na kayo sa pagpapalaganap ng Magandang Balita.