Mga Taga-Filipos 2

Bagamaʼt siya ay Diyos, hindi niya itinuring ang pagiging kapantay ng Diyos bilang isang bagay na dapat panghawakan.

Philippians 2:6 (UKJV) Who, being in the form of God, thought it not robbery to be equal with God:

4Huwag lang ang sarili ninyong kapakanan ang isipin ninyo kundi ang kapakanan din ng iba.

5Magkaroon nawa kayo ng kaisipang katulad ng kay Kristo Hesus:

6Bagamaʼt siya ay Diyos, hindi niya itinuring ang pagiging kapantay ng Diyos bilang isang bagay na dapat panghawakan.

7Sa halip, ibinaba niya nang lubusan ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pag-aanyong alipin. Naging tao siyang tulad natin.

8At sa pagiging tao niya, nagpakumbaba siya at naging masunurin sa Diyos hanggang sa kamatayan, maging sa kamatayan sa krus.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.