5Magkaroon nawa kayo ng kaisipang katulad ng kay Kristo Hesus:
6Bagamaʼt siya ay Diyos, hindi niya itinuring ang pagiging kapantay ng Diyos bilang isang bagay na dapat panghawakan.
7Sa halip, ibinaba niya nang lubusan ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pag-aanyong alipin. Naging tao siyang tulad natin.
8At sa pagiging tao niya, nagpakumbaba siya at naging masunurin sa Diyos hanggang sa kamatayan, maging sa kamatayan sa krus.
9Kaya naman itinaas siyang lubos ng Diyos at binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan,