7Sa halip, ibinaba niya nang lubusan ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pag-aanyong alipin. Naging tao siyang tulad natin.
8At sa pagiging tao niya, nagpakumbaba siya at naging masunurin sa Diyos hanggang sa kamatayan, maging sa kamatayan sa krus.
9Kaya naman itinaas siyang lubos ng Diyos at binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan,
10upang sa pangalan ni Hesus, luluhod at magpupuri ang lahat ng nasa langit at lupa, at nasa ilalim ng lupa.
11At ipapahayag ng lahat na si Hesu-Kristo ang Panginoon, sa ikapupuri ng Diyos Ama.