Pahayag 1

May hawak siyang pitong bituin sa kanyang kanang kamay, at lumalabas sa bibig niya ang isang matalas na espadang magkabila ang talim. Ang mukha niya ay nakakasilaw tulad ng kapangyarihan ng araw sa tanghaling tapat.

Revelation 1:16 (UKJV) And he had in his right hand seven stars: and out of his mouth went a sharp two-edged sword: and his countenance was as the sun shines in his strength.

14Ang buhok niya ay napakaputi tulad ng telang puting-puti, at ang mga mata niya ay nagliliyab na parang apoy.

15Ang mga paa niyaʼy kumikinang katulad ng tansong dinalisay sa apoy at pinakintab. Ang tinig niyaʼy napakalakas katulad ng rumaragasang tubig.

16May hawak siyang pitong bituin sa kanyang kanang kamay, at lumalabas sa bibig niya ang isang matalas na espadang magkabila ang talim. Ang mukha niya ay nakakasilaw tulad ng kapangyarihan ng araw sa tanghaling tapat.

17Nang makita ko siya, napahandusay ako na parang patay sa kanyang paanan. Ipinatong niya agad ang kanang kamay niya sa akin at sinabi, “Huwag kang matakot! Ako ang simula at ang katapusan.

18Akoʼy buháy magpakailanman. Namatay ako, ngunit masdan mo, buháy ako, at hindi na muling mamamatay. Nasa ilalim ng aking kapangyarihan ang kamatayan at ang mundo ng mga patay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.