Pahayag 1

Ang mga paa niyaʼy kumikinang katulad ng tansong dinalisay sa apoy at pinakintab. Ang tinig niyaʼy napakalakas katulad ng rumaragasang tubig.

Revelation 1:15 (UKJV) And his feet like unto fine brass, as if they burned in a furnace; and his voice as the sound of many waters.

13Sa gitna ng mga ilawan ay may nakatayong parang Anak ng Tao. Mahaba ang damit niya na abot hanggang paa, at may gintong parang sinturon na nakabigkis sa kanyang dibdib.

14Ang buhok niya ay napakaputi tulad ng telang puting-puti, at ang mga mata niya ay nagliliyab na parang apoy.

15Ang mga paa niyaʼy kumikinang katulad ng tansong dinalisay sa apoy at pinakintab. Ang tinig niyaʼy napakalakas katulad ng rumaragasang tubig.

16May hawak siyang pitong bituin sa kanyang kanang kamay, at lumalabas sa bibig niya ang isang matalas na espadang magkabila ang talim. Ang mukha niya ay nakakasilaw tulad ng kapangyarihan ng araw sa tanghaling tapat.

17Nang makita ko siya, napahandusay ako na parang patay sa kanyang paanan. Ipinatong niya agad ang kanang kamay niya sa akin at sinabi, “Huwag kang matakot! Ako ang simula at ang katapusan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.