11At ito ang sinabi sa akin, “Isulat mo kung ano ang makikita mo, at ipadala agad sa pitong iglesya: sa Efeso, Esmirna, Pergamo, Tiatira, Sardis, Filadelfia, at Laodicea.”
12Nang marinig ko ito, lumingon agad ako para tingnan kung sino ang nagsasalita sa akin. At nakita ko ang pitong lamparang ginto.
13Sa gitna ng mga ilawan ay may nakatayong parang Anak ng Tao. Mahaba ang damit niya na abot hanggang paa, at may gintong parang sinturon na nakabigkis sa kanyang dibdib.
14Ang buhok niya ay napakaputi tulad ng telang puting-puti, at ang mga mata niya ay nagliliyab na parang apoy.
15Ang mga paa niyaʼy kumikinang katulad ng tansong dinalisay sa apoy at pinakintab. Ang tinig niyaʼy napakalakas katulad ng rumaragasang tubig.