Pahayag 1

At ito ang sinabi sa akin, “Isulat mo kung ano ang makikita mo, at ipadala agad sa pitong iglesya: sa Efeso, Esmirna, Pergamo, Tiatira, Sardis, Filadelfia, at Laodicea.”

Revelation 1:11 (UKJV) Saying, I am Alpha and Omega, the first and the last: and, What you see, write in a book, and send it unto the seven churches which are in Asia; unto Ephesus, and unto Smyrna, and unto Pergamos, and unto Thyatira, and unto Sardis, and unto Philadelphia, and unto Laodicea.

9Ako si Juan na kapatid ninyo at kasama sa paghihirap, sa kaharian ng Diyos, at sa pagtitiis dahil tayo ay nakay Hesus. Itinapon ako sa isla ng Patmos dahil sa pangangaral ko ng salita ng Diyos at ng katotohanang itinuro ni Hesus.

10Noong araw ng Panginoon, pinuspos ako ng Espiritu, at narinig ko ang malakas na tinig na parang tunog ng trumpeta mula sa aking likuran.

11At ito ang sinabi sa akin, “Isulat mo kung ano ang makikita mo, at ipadala agad sa pitong iglesya: sa Efeso, Esmirna, Pergamo, Tiatira, Sardis, Filadelfia, at Laodicea.”

12Nang marinig ko ito, lumingon agad ako para tingnan kung sino ang nagsasalita sa akin. At nakita ko ang pitong lamparang ginto.

13Sa gitna ng mga ilawan ay may nakatayong parang Anak ng Tao. Mahaba ang damit niya na abot hanggang paa, at may gintong parang sinturon na nakabigkis sa kanyang dibdib.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.