7“Masdan ninyo! Dumarating si Hesus kasama ang ulap. Makikita siya ng lahat ng tao, maging ng mga taong pumaslang sa kanya. At ang lahat ng mga bansa ay tatangis dahil sa parusa, ang takot nila ay labis.” Mangyari nawa! Amen!
8Ang Panginoong Diyos ang makapangyarihan sa lahat. Kung ano siya noon, ganoon din siya ngayon at maging sa hinaharap. Kaya sinabi niya, “Ako ang Alpha at ang Omega.”
9Ako si Juan na kapatid ninyo at kasama sa paghihirap, sa kaharian ng Diyos, at sa pagtitiis dahil tayo ay nakay Hesus. Itinapon ako sa isla ng Patmos dahil sa pangangaral ko ng salita ng Diyos at ng katotohanang itinuro ni Hesus.
10Noong araw ng Panginoon, pinuspos ako ng Espiritu, at narinig ko ang malakas na tinig na parang tunog ng trumpeta mula sa aking likuran.
11At ito ang sinabi sa akin, “Isulat mo kung ano ang makikita mo, at ipadala agad sa pitong iglesya: sa Efeso, Esmirna, Pergamo, Tiatira, Sardis, Filadelfia, at Laodicea.”