Pahayag 1

Hinirang niya tayo upang mapabilang sa kanyang kaharian at maging mga paring naglilingkod sa Diyos na kanyang Ama. Sa kanya ang kaluwalhatian at ang kapangyarihan, magpakailanman. Amen.

Revelation 1:6 (UKJV) And has made us kings and priests unto God and his Father; to him be glory and dominion for ever and ever. Amen.

4Mula kay Juan, para sa pitong iglesya sa lalawigan ng Asia. Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaang mula sa Diyos na hindi nagbabago ngayon, noon, at sa hinaharap, at mula sa pitong Espiritu na nasa harapan ng trono ng Diyos, at mula kay Hesu-Kristo, ang mapagkakatiwalaang saksi, ang unang nabuhay mula sa mga patay, at ang namumuno sa lahat ng hari sa lupa. Iniibig niya tayo, at sa pamamagitan ng kanyang dugo ay iniligtas niya tayo sa ating mga kasalanan.

6Hinirang niya tayo upang mapabilang sa kanyang kaharian at maging mga paring naglilingkod sa Diyos na kanyang Ama. Sa kanya ang kaluwalhatian at ang kapangyarihan, magpakailanman. Amen.

7“Masdan ninyo! Dumarating si Hesus kasama ang ulap. Makikita siya ng lahat ng tao, maging ng mga taong pumaslang sa kanya. At ang lahat ng mga bansa ay tatangis dahil sa parusa, ang takot nila ay labis.” Mangyari nawa! Amen!

8Ang Panginoong Diyos ang makapangyarihan sa lahat. Kung ano siya noon, ganoon din siya ngayon at maging sa hinaharap. Kaya sinabi niya, “Ako ang Alpha at ang Omega.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.