Pahayag 1

Mula kay Juan, para sa pitong iglesya sa lalawigan ng Asia. Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaang mula sa Diyos na hindi nagbabago ngayon, noon, at sa hinaharap, at mula sa pitong Espiritu na nasa harapan ng trono ng Diyos, at mula kay Hesu-Kristo, ang mapagkakatiwalaang saksi, ang unang nabuhay mula sa mga patay, at ang namumuno sa lahat ng hari sa lupa. Iniibig niya tayo, at sa pamamagitan ng kanyang dugo ay iniligtas niya tayo sa ating mga kasalanan.

Revelation 1:4 (UKJV) John to the seven churches which are in Asia: Grace be unto you, and peace, from him which is, and which was, and which is to come; and from the seven Spirits which are before his throne;

2na siyang naging saksi at nagpatotoo tungkol sa lahat ng kanyang nakita; ang salita ng Diyos at ang patotoo ni Hesu-Kristo.

3Pinagpala ang sinumang babasa o makakarinig sa propesiyang ito, at pinahahalagahan ito. Sapagkat ang mga sinasabi dito ay malapit nang mangyari.

4Mula kay Juan, para sa pitong iglesya sa lalawigan ng Asia. Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaang mula sa Diyos na hindi nagbabago ngayon, noon, at sa hinaharap, at mula sa pitong Espiritu na nasa harapan ng trono ng Diyos, at mula kay Hesu-Kristo, ang mapagkakatiwalaang saksi, ang unang nabuhay mula sa mga patay, at ang namumuno sa lahat ng hari sa lupa. Iniibig niya tayo, at sa pamamagitan ng kanyang dugo ay iniligtas niya tayo sa ating mga kasalanan.

6Hinirang niya tayo upang mapabilang sa kanyang kaharian at maging mga paring naglilingkod sa Diyos na kanyang Ama. Sa kanya ang kaluwalhatian at ang kapangyarihan, magpakailanman. Amen.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.