Pahayag 1

Pinagpala ang sinumang babasa o makakarinig sa propesiyang ito, at pinahahalagahan ito. Sapagkat ang mga sinasabi dito ay malapit nang mangyari.

Revelation 1:3 (UKJV) Blessed is he that reads, and they that hear the words of this prophecy, and keep those things which are written therein: for the time is at hand.

1Ito ang pahayag mula kay Hesu-Kristo na ipinagkaloob ng Diyos sa kanya upang ipakita sa kanyang mga lingkod. Itoʼy patungkol sa mga mangyayari sa nalalapit na panahon. Isinugo ang isang anghel upang ipakita ang pahayag na ito sa kanyang lingkod na si Juan,

2na siyang naging saksi at nagpatotoo tungkol sa lahat ng kanyang nakita; ang salita ng Diyos at ang patotoo ni Hesu-Kristo.

3Pinagpala ang sinumang babasa o makakarinig sa propesiyang ito, at pinahahalagahan ito. Sapagkat ang mga sinasabi dito ay malapit nang mangyari.

4Mula kay Juan, para sa pitong iglesya sa lalawigan ng Asia. Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaang mula sa Diyos na hindi nagbabago ngayon, noon, at sa hinaharap, at mula sa pitong Espiritu na nasa harapan ng trono ng Diyos, at mula kay Hesu-Kristo, ang mapagkakatiwalaang saksi, ang unang nabuhay mula sa mga patay, at ang namumuno sa lahat ng hari sa lupa. Iniibig niya tayo, at sa pamamagitan ng kanyang dugo ay iniligtas niya tayo sa ating mga kasalanan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.