Pahayag 10

Pagkatapos nito, isa na namang makapangyarihang anghel ang nakita kong bumababa mula sa langit. Nababalot siya ng ulap at may bahaghari sa kanyang ulo. Ang mukha niya ay nagliliwanag tulad ng araw at ang mga paa niya ay parang haliging nag-aapoy.

Revelation 10:1 (UKJV) And I saw another mighty angel come down from heaven, clothed with a cloud: and a rainbow was upon his head, and his face was as it were the sun, and his feet as pillars of fire:

1Pagkatapos nito, isa na namang makapangyarihang anghel ang nakita kong bumababa mula sa langit. Nababalot siya ng ulap at may bahaghari sa kanyang ulo. Ang mukha niya ay nagliliwanag tulad ng araw at ang mga paa niya ay parang haliging nag-aapoy.

2May hawak siyang maliit na kasulatang nakabukas. Itinuntong niya sa dagat ang kanang paa niya at sa lupa naman ang kaliwa.

3Sumigaw siya nang malakas na parang umaatungal na leon, at tinugon naman siya ng dagundong ng pitong kulog.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.