Pahayag 10

Kapag handa nang patunugin ng ikapitong anghel ang kanyang trumpeta, matutupad na ang lihim na plano ng Diyos ayon sa sinabi ng mga propeta na kanyang lingkod.”

Revelation 10:7 (UKJV) But in the days of the voice of the seventh angel, when he shall begin to sound, the mystery of God should be finished, as he has declared to his servants the prophets.

5At nakita kong itinaas ng anghel na nakatayo sa dagat at sa lupa, ang kanyang kamay sa langit.

6At sumumpa siya sa Diyos na nabubuhay magpakailanman, ang lumikha ng langit, lupa, at dagat at lahat ng naroroon, at sinabi, “Hindi na magtatagal ang panahon.

7Kapag handa nang patunugin ng ikapitong anghel ang kanyang trumpeta, matutupad na ang lihim na plano ng Diyos ayon sa sinabi ng mga propeta na kanyang lingkod.”

8Muling nagsalita sa akin ang tinig na mula sa langit. Sinabi niya, “Pumunta ka sa anghel na nakatayo sa dagat at sa lupa, at kunin mo sa kamay niya ang nakabukas na kasulatan.”

9Kaya lumapit ako sa anghel at hiningi ko ang kasulatang iyon. Sinabi niya sa akin, “Narito, kunin mo at kainin. Matamis ito na parang pulot sa bibig mo, ngunit magiging mapait sa tiyan mo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.