6At sumumpa siya sa Diyos na nabubuhay magpakailanman, ang lumikha ng langit, lupa, at dagat at lahat ng naroroon, at sinabi, “Hindi na magtatagal ang panahon.
7Kapag handa nang patunugin ng ikapitong anghel ang kanyang trumpeta, matutupad na ang lihim na plano ng Diyos ayon sa sinabi ng mga propeta na kanyang lingkod.”
8Muling nagsalita sa akin ang tinig na mula sa langit. Sinabi niya, “Pumunta ka sa anghel na nakatayo sa dagat at sa lupa, at kunin mo sa kamay niya ang nakabukas na kasulatan.”
9Kaya lumapit ako sa anghel at hiningi ko ang kasulatang iyon. Sinabi niya sa akin, “Narito, kunin mo at kainin. Matamis ito na parang pulot sa bibig mo, ngunit magiging mapait sa tiyan mo.”
10Kinuha ko ang kasulatan sa kamay ng anghel at kinain. Kasintamis nga ito ng pulot sa aking bibig, ngunit nang malunok ko na ay naging mapait sa aking tiyan.