4Ang dalawang saksing ito ay ang dalawang punong olibo at dalawang ilawan sa harap ng Panginoon ng buong mundo.
5Kung sinuman ang magtangkang manakit sa kanila, may apoy na lalabas sa kanilang bibig at tutupukin ang kanilang kaaway. Ganito pupuksain ang sinumang magtangkang saktan sila.
6May kapangyarihan silang isara ang kalangitan upang hindi umulan habang nagpapahayag sila ng propesiya. May kapangyarihan din silang gawing dugo ang tubig at magpadala ng lahat ng uri ng salot sa mundo kung kailan nila gusto.
7Pagkatapos nilang ipahayag ang mensahe ng Diyos, makikipaglaban sa kanila ang halimaw na galing sa kailaliman. Tatalunin at papatayin sila ng halimaw.
8Ang bangkay nila ay pababayaan sa lansangan ng tanyag na lungsod, ang lugar na pinagpakuan sa krus ng kanilang Panginoon. Ito rin ang lungsod na tinaguriang Sodoma at Ehipto.