6May kapangyarihan silang isara ang kalangitan upang hindi umulan habang nagpapahayag sila ng propesiya. May kapangyarihan din silang gawing dugo ang tubig at magpadala ng lahat ng uri ng salot sa mundo kung kailan nila gusto.
7Pagkatapos nilang ipahayag ang mensahe ng Diyos, makikipaglaban sa kanila ang halimaw na galing sa kailaliman. Tatalunin at papatayin sila ng halimaw.
8Ang bangkay nila ay pababayaan sa lansangan ng tanyag na lungsod, ang lugar na pinagpakuan sa krus ng kanilang Panginoon. Ito rin ang lungsod na tinaguriang Sodoma at Ehipto.
9Sa loob ng tatloʼt kalahating araw, ang bangkay nila ay panonoorin ng mga tao mula sa ibaʼt ibang lahi, angkan, wika at bansa, at hindi sila papayag na ilibing ang mga ito.
10Matutuwa ang mga tao sa buong mundo dahil sa pagkamatay ng dalawang propetang ito. Magdiriwang sila at magbibigayan ng mga regalo dahil namatay na ang dalawang iyon na nagpahirap sa mga tao sa mundo.