Pahayag 11

Matutuwa ang mga tao sa buong mundo dahil sa pagkamatay ng dalawang propetang ito. Magdiriwang sila at magbibigayan ng mga regalo dahil namatay na ang dalawang iyon na nagpahirap sa mga tao sa mundo.

Revelation 11:10 (UKJV) And they that dwell upon the earth shall rejoice over them, and make merry, and shall send gifts one to another; because these two prophets tormented them that dwelt on the earth.

8Ang bangkay nila ay pababayaan sa lansangan ng tanyag na lungsod, ang lugar na pinagpakuan sa krus ng kanilang Panginoon. Ito rin ang lungsod na tinaguriang Sodoma at Ehipto.

9Sa loob ng tatloʼt kalahating araw, ang bangkay nila ay panonoorin ng mga tao mula sa ibaʼt ibang lahi, angkan, wika at bansa, at hindi sila papayag na ilibing ang mga ito.

10Matutuwa ang mga tao sa buong mundo dahil sa pagkamatay ng dalawang propetang ito. Magdiriwang sila at magbibigayan ng mga regalo dahil namatay na ang dalawang iyon na nagpahirap sa mga tao sa mundo.

11Ngunit pagkalipas ng tatloʼt kalahating araw, pumasok sa kanila ang hininga ng buhay mula sa Diyos. Bumangon sila, at ganoon na lang ang takot ng lahat ng nakakita sa kanila.

12Narinig ng dalawa ang malakas na tinig mula sa langit, “Umakyat kayo rito!” At habang tinitingnan sila ng kanilang mga kaaway, pumapaitaas sila sa langit sakay ng ulap.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.