10Matutuwa ang mga tao sa buong mundo dahil sa pagkamatay ng dalawang propetang ito. Magdiriwang sila at magbibigayan ng mga regalo dahil namatay na ang dalawang iyon na nagpahirap sa mga tao sa mundo.
11Ngunit pagkalipas ng tatloʼt kalahating araw, pumasok sa kanila ang hininga ng buhay mula sa Diyos. Bumangon sila, at ganoon na lang ang takot ng lahat ng nakakita sa kanila.
12Narinig ng dalawa ang malakas na tinig mula sa langit, “Umakyat kayo rito!” At habang tinitingnan sila ng kanilang mga kaaway, pumapaitaas sila sa langit sakay ng ulap.
13Nang oras ding iyon, lumindol nang napakalakas. Nawasak ang ikasampung bahagi ng lungsod, at pitong libo ang namatay. Nasindak ang natirang mga tao, at binigyang luwalhati ang Diyos sa langit.
14Natapos na ang pangalawang lagim, ngunit susunod pa ang ikatlo.