12Narinig ng dalawa ang malakas na tinig mula sa langit, “Umakyat kayo rito!” At habang tinitingnan sila ng kanilang mga kaaway, pumapaitaas sila sa langit sakay ng ulap.
13Nang oras ding iyon, lumindol nang napakalakas. Nawasak ang ikasampung bahagi ng lungsod, at pitong libo ang namatay. Nasindak ang natirang mga tao, at binigyang luwalhati ang Diyos sa langit.
14Natapos na ang pangalawang lagim, ngunit susunod pa ang ikatlo.
15Nang pinatunog ng ikapitong anghel ang kanyang trumpeta, may narinig akong malalakas na tinig mula sa langit na nagsasabi, “Maghahari na ngayon sa buong mundo ang ating Panginoon at ang kanyang Mesias. At maghahari siya magpakailanman.”
16At ang dalawampuʼt apat na pinuno na nakaupo sa mga trono nila ay nagpatirapa at sumamba sa Diyos.