Pahayag 11

Nang pinatunog ng ikapitong anghel ang kanyang trumpeta, may narinig akong malalakas na tinig mula sa langit na nagsasabi, “Maghahari na ngayon sa buong mundo ang ating Panginoon at ang kanyang Mesias. At maghahari siya magpakailanman.”

Revelation 11:15 (UKJV) And the seventh angel sounded; and there were great voices in heaven, saying, The kingdoms of this world are become the kingdoms of our Lord, and of his Christ; and he shall reign for ever and ever.

13Nang oras ding iyon, lumindol nang napakalakas. Nawasak ang ikasampung bahagi ng lungsod, at pitong libo ang namatay. Nasindak ang natirang mga tao, at binigyang luwalhati ang Diyos sa langit.

14Natapos na ang pangalawang lagim, ngunit susunod pa ang ikatlo.

15Nang pinatunog ng ikapitong anghel ang kanyang trumpeta, may narinig akong malalakas na tinig mula sa langit na nagsasabi, “Maghahari na ngayon sa buong mundo ang ating Panginoon at ang kanyang Mesias. At maghahari siya magpakailanman.”

16At ang dalawampuʼt apat na pinuno na nakaupo sa mga trono nila ay nagpatirapa at sumamba sa Diyos.

17Sinabi nila, “Panginoong Diyos na makapangyarihan sa lahat, kayo po ang Diyos noon, at kayo rin ang Diyos ngayon. Nagpapasalamat kami sa inyo dahil ginamit na ninyo ang inyong kapangyarihan, at nagsimula na kayong maghari ngayon sa mundo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.