15Nang pinatunog ng ikapitong anghel ang kanyang trumpeta, may narinig akong malalakas na tinig mula sa langit na nagsasabi, “Maghahari na ngayon sa buong mundo ang ating Panginoon at ang kanyang Mesias. At maghahari siya magpakailanman.”
16At ang dalawampuʼt apat na pinuno na nakaupo sa mga trono nila ay nagpatirapa at sumamba sa Diyos.
17Sinabi nila, “Panginoong Diyos na makapangyarihan sa lahat, kayo po ang Diyos noon, at kayo rin ang Diyos ngayon. Nagpapasalamat kami sa inyo dahil ginamit na ninyo ang inyong kapangyarihan, at nagsimula na kayong maghari ngayon sa mundo.
18Puno ng galit ang mga bansa, at narito na ang inyong poot. Panahon na upang hatulan ninyo ang mga patay at gantimpalaan ang inyong mga lingkod na propeta, at ang mga hinirang ninyong may takot sa inyo, dakila man o hindi. At panahon na rin upang lipulin ang mga namumuksa sa mundo.”
19Pagkatapos, binuksan ang Templo ng Diyos doon sa langit, at naroon sa loob ang Kaban ng Tipan. Kumidlat, kumulog, umugong, lumindol at umulan ng yelo na parang mga bato.