Pahayag 13

Hinayaan ng Diyos ang pangalawang halimaw na magbigay ng buhay sa imahen ng unang halimaw. Kaya nakapagsalita ang imahen at nakapag-utos na patayin ang lahat ng ayaw sumamba sa kanya.

Revelation 13:15 (UKJV) And he had power to give life unto the image of the beast, that the image of the beast should both speak, and cause that as many as would not worship the image of the beast should be killed.

13Gumawa ng mga kamangha-manghang tanda ang pangalawang halimaw tulad ng pagpapaulan ng apoy mula sa langit patungo sa lupa, upang ipakita sa mga tao ang kanyang kapangyarihan.

14At dahil sa mga himalang ipinagawa sa kanya ng unang halimaw, nalinlang niya ang mga tao sa mundo. Inutusan niya ang mga tao na gumawa ng imahen ng unang halimaw na malubhang nasugatan ng espada ngunit nabuhay pa.

15Hinayaan ng Diyos ang pangalawang halimaw na magbigay ng buhay sa imahen ng unang halimaw. Kaya nakapagsalita ang imahen at nakapag-utos na patayin ang lahat ng ayaw sumamba sa kanya.

16Pinilit ng pangalawang halimaw ang lahat ng tao, dakila o hindi, mayaman o mahirap, alipin o malaya, na magpatatak sa kanang kamay o sa noo.

17At ang sinumang ayaw magpatatak ng pangalan o numero ng unang halimaw ay hindi maaaring bumili o magbenta.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.